12 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kina Moises at Aaron: “Dahil hindi kayo nanampalataya sa akin at hindi ninyo ako pinabanal sa harap ng bayang Israel, hindi kayo ang magdadala sa kongregasyong ito sa lupaing ibibigay ko sa kanila.”+
31At humarap si Moises sa buong Israel, at sinabi niya: 2 “Ngayon ay 120 taóng gulang na ako.+ Hindi ko na kayo puwedeng akayin* dahil sinabi sa akin ni Jehova, ‘Hindi ka tatawid sa Jordan.’+