-
Bilang 21:23, 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Pero hindi pumayag si Sihon na dumaan ang Israel sa teritoryo niya. Sa halip, tinipon ni Sihon ang kaniyang buong bayan at pumunta sa ilang para labanan ang Israel, at nakarating sila sa Jahaz at nakipaglaban sa Israel.+ 24 Pero natalo siya ng Israel gamit ang espada+ at kinuha ang kaniyang lupain+ mula sa Arnon+ hanggang sa Jabok,+ malapit sa mga Ammonita, dahil paglampas ng Jazer+ ay teritoryo na ng mga Ammonita.+
-
-
Josue 12:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Ito ang mga haring natalo ng mga Israelita sa sinakop nilang lupain sa silangan ng Jordan, mula sa Lambak* ng Arnon+ hanggang sa Bundok Hermon+ at sa buong silangan ng Araba:+ 2 si Haring Sihon+ ng mga Amorita, na nakatira sa Hesbon at namahala mula sa Aroer,+ na nasa pampang ng Lambak* ng Arnon,+ at mula sa gitna ng lambak, at sa kalahati ng Gilead hanggang sa Lambak* ng Jabok, na hangganan ng mga Ammonita.
-