Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “‘Huwag kayong gagawa ng walang-silbing mga diyos para sa inyong sarili,+ at huwag kayong gagawa ng inukit na imahen+ o magtatayo ng sagradong haligi para sa inyong sarili, at huwag kayong maglalagay ng isang batong rebulto+ sa inyong lupain para yumukod dito;+ dahil ako ang Diyos ninyong si Jehova.

  • Deuteronomio 4:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 “Kaya bantayan ninyo ang inyong sarili—dahil wala kayong nakitang anumang anyo nang araw na makipag-usap sa inyo si Jehova sa Horeb mula sa apoy— 16 para hindi kayo gumawi nang kapaha-pahamak at gumawa para sa inyong sarili ng inukit na imahen na may anumang anyo, gaya ng anyo ng lalaki o babae,+

  • Deuteronomio 4:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Mag-ingat kayo para hindi ninyo malimutan ang pakikipagtipan sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova,+ at huwag kayong gagawa para sa inyong sarili ng inukit na imahen, na anyo ng anumang bagay na ipinagbawal sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.+

  • Deuteronomio 27:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 “‘Sumpain ang taong gumagawa at nagtatago ng inukit na imahen+ o ng metal na estatuwa,+ na gawa ng isang bihasang manggagawa,* isang bagay na kasuklam-suklam kay Jehova.’+ (At sasagot ang buong bayan, ‘Amen!’*)

  • Gawa 17:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 “Dahil tayo ay mga anak* ng Diyos,+ hindi natin dapat isipin na ang Diyos ay gawa sa ginto o pilak o bato, gaya ng isang imahen na ginawa at dinisenyo ng mga tao.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share