6 “Kaya sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ako si Jehova, at palalayain ko kayo mula sa puwersahang pagpapatrabaho ng mga Ehipsiyo at ililigtas ko kayo mula sa pang-aalipin nila,+ at babawiin ko kayo sa pamamagitan ng makapangyarihang* bisig at mabibigat na hatol.+
3 At sinabi ni Moises sa bayan: “Alalahanin ninyo ang araw na iyon nang lumabas kayo sa Ehipto,+ kung saan kayo naging alipin,* dahil inilabas kayo ni Jehova mula rito gamit ang kaniyang makapangyarihang kamay.+ Kaya hindi kayo puwedeng kumain ng anumang may pampaalsa.
14 “Kung sakaling magtanong sa inyo ang inyong mga anak, ‘Ano ang ibig sabihin nito?’ sabihin ninyo sa kanila, ‘Ginamit ni Jehova ang kaniyang makapangyarihang kamay para ilabas kami sa Ehipto, kung saan kami naging alipin.*+