Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 4:25, 26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Kung magkaroon kayo ng mga anak at apo at mabuhay nang matagal sa lupain at gumawi nang kapaha-pahamak at gumawa ng anumang inukit na imahen+ at gumawa ng masama sa paningin ng Diyos ninyong si Jehova para galitin siya,+ 26 kinukuha ko ngayon ang langit at lupa bilang mga saksi laban sa inyo—tiyak na malilipol kayo agad sa lupaing kukunin ninyo pagtawid ng Jordan. Hindi kayo mabubuhay nang matagal doon; tiyak na malilipol kayo.+

  • Deuteronomio 30:17, 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 “Pero kung tatalikod kayo*+ at hindi kayo makikinig at matutukso kayong yumukod at maglingkod sa ibang mga diyos,+ 18 sinasabi ko sa inyo ngayon na talagang malilipol kayo.+ Hindi kayo mabubuhay nang mahaba sa lupaing magiging pag-aari ninyo pagtawid ng Jordan.

  • Josue 23:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Pero kung tatalikod kayo sa Diyos at makikiisa sa mga bansang naninirahan pang kasama ninyo,+ mag-aasawa ng sinuman mula sa kanila,+ at makikipagkaibigan sa kanila, 13 makakatiyak kayong hindi na itataboy ni Jehova na inyong Diyos ang mga bansang ito* para sa inyo.+ Sila ay magiging bitag at silo sa inyo at hagupit sa mga tagiliran ninyo+ at tinik sa mga mata ninyo hanggang sa malipol kayo mula sa magandang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share