Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 17:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Kaya nakipag-away ang bayan kay Moises,+ at sinabi nila: “Bigyan mo kami ng tubig na maiinom.” Pero sinabi ni Moises: “Bakit kayo nakikipag-away sa akin? Bakit lagi ninyong sinusubok si Jehova?”+

  • Bilang 11:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At ang mga banyaga+ sa gitna nila ay may kasakimang naghangad ng pagkain,+ at umiyak na naman ang mga Israelita at nagsabi: “Sino ang magbibigay sa amin ng karneng kakainin namin?+

  • Bilang 16:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 At nagkampi-kampi si Kora+ na anak ni Izhar,+ na anak ni Kohat,+ na anak ni Levi,+ at ang mga mula sa tribo ni Ruben+ na sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab+ at si On na anak ni Peleth. 2 Nagkampi-kampi sila laban kay Moises, kasama ang 250 lalaking Israelita, na mga pinuno ng bayan, mga pinili sa kongregasyon, mga prominenteng lalaki.

  • Bilang 25:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Inimbitahan ng mga babae ang bayan na sumama sa paghahain sa mga diyos nila,+ at ang bayan ay kumain at yumukod sa mga diyos nila.+ 3 Kaya ang Israel ay sumamba rin sa Baal ng Peor;+ galit na galit si Jehova sa Israel.

  • Deuteronomio 31:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Dahil alam na alam kong talagang mapaghimagsik kayo+ at matigas ang ulo*+ ninyo. Kung mapaghimagsik na kayo kay Jehova ngayong buháy pa ako, paano pa kaya pagkamatay ko?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share