Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 magpapaulan ako sa tamang panahon,+ at magbibigay ng ani ang lupain,+ at mamumunga ang mga puno sa parang.

  • Deuteronomio 8:7-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Dahil dadalhin kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa isang magandang lupain,+ isang lupaing sagana sa tubig,* maraming batis at bukal na umaagos sa kapatagan at mabundok na rehiyon, 8 isang lupaing sagana sa trigo, sebada, ubas,* igos,* granada,*+ langis ng olibo, at pulot-pukyutan,+ 9 isang lupain kung saan hindi kayo kakapusin sa pagkain at hindi kayo magkukulang ng anuman, isang lupain kung saan may makukuhang bakal sa bato at makapagmimina ng tanso sa mga bundok.

  • Deuteronomio 28:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Bubuksan ni Jehova para sa inyo ang kaniyang punong-punong imbakan, ang langit, para magpaulan sa inyong lupain sa takdang panahon nito+ at para pagpalain ang lahat ng ginagawa ninyo. Magpapahiram kayo sa maraming bansa, pero hindi ninyo kakailanganing manghiram.+

  • Jeremias 14:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Mayroon bang sinuman sa walang-silbing mga idolo ng mga bansa na makapagpapaulan,

      O may sarili bang kakayahan ang langit na magbuhos ng ulan?

      Hindi ba ikaw lang, O Jehova na aming Diyos, ang makagagawa nito?+

      At umaasa kami sa iyo,

      Dahil ikaw lang ang gumagawa ng lahat ng ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share