-
1 Hari 8:35, 36Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
35 “Kapag sumara ang langit at hindi umulan+ dahil patuloy silang nagkakasala sa iyo,+ at manalangin sila nang nakaharap sa lugar na ito at luwalhatiin ang pangalan mo, at tumalikod sila mula sa kanilang kasalanan dahil dinisiplina* mo sila,+ 36 makinig ka nawa mula sa langit at patawarin ang kasalanan ng mga lingkod mo, ng bayan mong Israel, dahil ituturo mo sa kanila+ ang mabuting daan na dapat nilang lakaran; at magpaulan ka sa lupaing+ ipinamana mo sa iyong bayan.
-
-
2 Cronica 7:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Kapag sinarhan ko ang langit at hindi umulan at kapag inutusan ko ang mga tipaklong na lamunin ang lupain at kung magpadala ako ng salot sa bayan ko, 14 at kung ang bayan ko na tinatawag sa pangalan ko+ ay magpakumbaba+ at manalangin at hanapin ako at tumigil sa masasama nilang ginagawa,+ makikinig ako mula sa langit at patatawarin ko ang kasalanan nila at pagagalingin ko ang lupain nila.+
-