Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 18:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 “Tingnan mo, ibinibigay ko sa mga anak ni Levi ang lahat ng ikasampung bahagi+ sa Israel bilang mana para sa paglilingkod nila sa tolda ng pagpupulong.

  • Deuteronomio 14:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 At huwag ninyong pababayaan ang mga Levita na nasa mga lunsod ninyo+ dahil hindi sila binigyan ng bahagi o mana, hindi gaya ninyo.+

  • 2 Cronica 31:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Bukod diyan, inutusan niya ang mga nakatira sa Jerusalem na ibigay sa mga saserdote at mga Levita ang takdang bahagi nila,+ para masunod nilang mabuti* ang kautusan ni Jehova.

  • Nehemias 10:38, 39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 38 At ang saserdote, na anak ni Aaron, ay sasama sa mga Levita kapag kinokolekta ng mga Levita ang ikasampu; at ang mga Levita naman ay maghahandog ng ikasampu ng ikasampu sa bahay ng aming Diyos,+ sa mga silid* sa imbakan. 39 Dadalhin ng mga Israelita at ng mga Levita ang abuloy na butil, bagong alak, at langis+ sa mga silid-imbakan*+ na pinaglalagyan ng mga kagamitan ng templo at kung saan tumutuloy ang naglilingkod na mga saserdote, ang mga bantay ng pintuang-daan, at ang mga mang-aawit. Hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Diyos.+

  • Malakias 3:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “Mananakawan ba ng isang tao ang Diyos? Pero ninanakawan ninyo ako.”

      At sinasabi ninyo: “Paano ka namin ninakawan?”

      “Sa mga ikapu* at sa mga abuloy.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share