-
Levitico 11:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 “‘Ito ang puwede ninyong kainin sa lahat ng nasa tubig: lahat ng nasa tubig na may palikpik at kaliskis, nasa dagat man o ilog.+ 10 Pero karima-rimarim* para sa inyo ang lahat ng nasa dagat at ilog na walang palikpik at kaliskis, mula sa lahat ng nagkukulumpong hayop* at iba pang buháy na nilalang* na nasa tubig.
-