Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 14:39-45
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 Nang sabihin ito ni Moises sa lahat ng Israelita, ang bayan ay labis na nagdalamhati. 40 At bumangon sila nang maaga kinabukasan at nagtangkang umakyat sa tuktok ng bundok. Sinabi nila: “Nagkasala kami, pero ngayon ay handa na kaming pumunta sa lugar na sinabi ni Jehova.”+ 41 Pero sinabi ni Moises: “Bakit ninyo binabale-wala ang utos ni Jehova? Hindi iyan magtatagumpay. 42 Huwag kayong umakyat, dahil hindi sumasainyo si Jehova; at matatalo kayo ng inyong mga kaaway.+ 43 Naroon ang mga Amalekita at mga Canaanita para lumaban sa inyo,+ at mamamatay kayo sa espada. Dahil tumigil kayo sa pagsunod kay Jehova, hindi sasainyo si Jehova.”+

      44 Gayunman, nangahas silang umakyat sa tuktok ng bundok,+ pero ang kaban ng tipan ni Jehova, pati si Moises, ay nanatili sa gitna ng kampo.+ 45 At bumaba ang mga Amalekita at mga Canaanita na nakatira sa bundok na iyon at sinalakay sila at pinangalat hanggang sa Horma.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share