Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 22:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 “Huwag ninyong aapihin ang mga biyuda o batang walang ama.*+ 23 Kapag inapi ninyo sila at dumaing sila sa akin, tiyak na pakikinggan ko ang daing nila;+

  • Deuteronomio 24:14, 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “Huwag mong dadayain ang isang gipit at mahirap na upahang trabahador sa lunsod* ninyo, siya man ay kapatid mo o dayuhang naninirahan sa inyong lupain.+ 15 Dapat mong ibigay ang sahod niya sa mismong araw na iyon,+ bago lumubog ang araw, dahil gipit siya at iyon ang inaasahan niya para mabuhay. Kung hindi mo iyon gagawin, daraing siya kay Jehova at magiging kasalanan mo iyon.+

  • Kawikaan 21:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ang nagtatakip ng tainga kapag dumaraing ang mahirap

      Ay hindi pakikinggan kapag siya naman ang tumawag.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share