5 Ang tupa ninyo ay dapat na malusog+ at isang-taóng-gulang na lalaki. Puwede kayong pumili ng isang batang tupa o kambing. 6 Aalagaan ninyo iyon hanggang sa ika-14 na araw ng buwang ito,+ at pagdating ng takipsilim* ay papatayin iyon ng bawat sambahayan sa kongregasyon ng Israel.+
7 Nag-abuloy si Josias sa bayan ng mga kawan, mga lalaking kordero* at mga batang kambing na lalaki, para ihandog sa Paskuwa para sa lahat ng naroon. Lahat ng iyon ay 30,000, at nag-abuloy rin siya ng 3,000 baka. Mula ito sa mga pag-aari ng hari.+