15 Pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.+ Oo, sa unang araw, dapat ninyong alisin ang pinaasim na masa sa mga bahay ninyo, dahil ang sinumang* kumain ng may pampaalsa mula sa unang araw hanggang sa ikapito ay aalisin* sa Israel.
7 Tinapay na walang pampaalsa ang kakainin ninyo sa loob ng pitong araw;+ at hindi kayo puwedeng magkaroon ng anumang may pampaalsa,+ at hindi puwedeng magkaroon ng pinaasim na masa sa buong teritoryo* ninyo.