Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 18:25, 26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Pumili si Moises ng mga lalaking may kakayahan mula sa buong Israel, at inatasan niya sila na maging mga pinuno ng bayan, bilang mga pinuno ng libo-libo, ng daan-daan, ng lima-limampu, at ng sampu-sampu. 26 Kaya sila ang humahatol sa bayan kapag may bumabangong usapin. Inilalapit nila kay Moises ang mahihirap na usapin,+ pero sila ang humahatol sa maliliit na usapin.

  • Deuteronomio 1:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 “Inutusan ko noon ang mga hukom ninyo, ‘Kapag dinirinig ninyo ang kaso ng mga kapatid ninyo, maging makatarungan kayo sa paghatol,+ sa pagitan man ito ng dalawang Israelita o sa pagitan ng isang Israelita at ng dayuhang naninirahang kasama ninyo.+

  • 2 Cronica 19:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Nanatili si Jehosapat sa Jerusalem, at muli niyang pinuntahan ang bayan mula sa Beer-sheba hanggang sa mabundok na rehiyon ng Efraim,+ para ibalik sila kay Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno.+ 5 Nag-atas din siya ng mga hukom sa buong lupain ng Juda, sa lahat ng napapaderang* lunsod.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share