-
Deuteronomio 13:12-15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 “Kung marinig mo ang balitang ito sa isa sa mga lunsod na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova para tirhan, 13 ‘May walang-kuwentang mga lalaki sa gitna ninyo na nagliligaw sa mga nakatira sa lunsod nila, at sinasabi nila: “Halikayo, at maglingkod tayo sa ibang mga diyos,” mga diyos na hindi ninyo kilala,’ 14 mag-imbestiga kang mabuti at magtanong;+ at kung napatunayan na talagang nangyayari ang kasuklam-suklam na bagay na ito sa gitna ninyo, 15 dapat mong patayin ang mga nakatira sa lunsod na iyon gamit ang espada.+ Wasakin mo at puksain* ang lahat ng naroon gamit ang espada, pati ang mga alagang hayop doon.+
-