-
1 Hari 11:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Pero si Haring Solomon ay umibig sa maraming babaeng banyaga+ bukod pa sa anak ng Paraon:+ mga babaeng Moabita,+ Ammonita,+ Edomita, Sidonio,+ at Hiteo.+ 2 Galing sila sa mga bansang tinutukoy ni Jehova nang sabihin niya sa mga Israelita: “Huwag kayong makikisama sa kanila,* at hindi sila dapat makisama sa inyo, dahil siguradong pasusunurin nila kayo* sa mga diyos nila.”+ Pero mahal na mahal sila* ni Solomon. 3 Mayroon siyang 700 asawa na mga prinsesa at 300 pangalawahing asawa, at malaki ang naging impluwensiya sa kaniya ng mga asawa niya.
-