Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Dadalhin mo sa bahay ni Jehova na iyong Diyos ang pinakamainam sa mga unang hinog na bunga ng iyong lupa.+

      “Huwag mong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng ina nito.+

  • Bilang 18:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Sinabi pa ni Jehova kay Aaron: “Ako mismo ang nag-aatas sa iyo sa pag-iingat ng mga abuloy para sa akin.+ Ibinibigay ko sa iyo at sa iyong mga anak bilang permanenteng paglalaan ang isang bahagi ng lahat ng banal na bagay na iniabuloy ng mga Israelita.+

  • Bilang 18:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Ibinibigay ko sa iyo ang lahat ng pinakamainam na langis at lahat ng pinakamainam na bagong alak at butil, ang mga unang bunga nila,+ na ibinibigay nila kay Jehova.+

  • 2 Cronica 31:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Bukod diyan, inutusan niya ang mga nakatira sa Jerusalem na ibigay sa mga saserdote at mga Levita ang takdang bahagi nila,+ para masunod nilang mabuti* ang kautusan ni Jehova.

  • Nehemias 12:44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 44 Nang araw na iyon, nag-atas ng mga lalaking mangangasiwa sa mga imbakan+ para sa mga abuloy,+ mga unang bunga,+ at mga ikasampu.*+ Mula sa mga bukid ng mga lunsod, titipunin nila sa mga imbakang iyon ang mga bahaging hinihiling ng Kautusan+ para sa mga saserdote at mga Levita,+ dahil ang Juda ay nasisiyahan sa paglilingkod ng mga saserdote at mga Levita.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share