-
1 Samuel 28:7-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Kaya sinabi ni Saul sa mga lingkod niya: “Ihanap ninyo ako ng isang babaeng espiritista,+ at pupunta ako sa kaniya para sumangguni.” Sinabi ng mga lingkod niya: “May isang babaeng espiritista sa En-dor.”+
8 Kaya si Saul ay nagsuot ng ibang damit para hindi siya makilala at nagpunta sa babae noong gabi kasama ang dalawa sa mga tauhan niya. Sinabi niya: “Pakisuyo, manghula ka sa pamamagitan ng pagsangguni sa espiritu,+ at tawagin mo ang ipapatawag ko.” 9 Pero sinabi sa kaniya ng babae: “Alam mo naman ang ginawa ni Saul. Inalis niya sa lupain ang mga espiritista at manghuhula.+ Bakit ka naglalagay ng pain para maipapatay ako?”+ 10 Nangako si Saul sa kaniya sa ngalan ni Jehova: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, hindi ka mapaparusahan dahil dito!” 11 Kaya sinabi ng babae: “Sino ang tatawagin ko para sa iyo?” Sumagot siya: “Tawagin mo si Samuel para sa akin.”
-