Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 13:1-5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 “Kung may bumangon sa gitna ninyo na isang propeta o isang humuhula sa pamamagitan ng mga panaginip at magbigay ng isang tanda o hula, 2 at magkatotoo ito at hikayatin niya kayo, ‘Sumunod tayo sa ibang mga diyos,’ mga diyos na hindi ninyo kilala, ‘at maglingkod tayo sa kanila,’ 3 huwag kayong makinig sa propeta o sa isang iyon na nanaginip,+ dahil sinusubok kayo ng Diyos ninyong si Jehova+ para malaman kung iniibig ninyo ang Diyos ninyong si Jehova nang inyong buong puso at kaluluwa.+ 4 Ang Diyos ninyong si Jehova ang dapat ninyong sundan, siya ang dapat ninyong katakutan, ang mga utos niya ang dapat ninyong sundin, ang tinig niya ang dapat ninyong pakinggan; siya ang dapat ninyong paglingkuran, at sa kaniya kayo dapat mangunyapit.+ 5 Pero dapat patayin ang propeta o ang isang iyon na nanaginip,+ dahil hinikayat niya kayong magrebelde sa Diyos ninyong si Jehova—na naglabas sa inyo sa Ehipto at nagpalaya sa inyo sa pagkaalipin*—para ilihis kayo mula sa daan na iniuutos ng Diyos ninyong si Jehova na lakaran ninyo. Dapat ninyong alisin ang kasamaan sa gitna ninyo.+

  • Jeremias 28:11-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Pagkatapos ay sinabi ni Hananias sa harap ng buong bayan: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Ganito ko babaliin sa loob ng dalawang taon ang pamatok ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya na nasa leeg ng lahat ng bansa.’”+ At umalis ang propetang si Jeremias.

      12 Matapos baliin ng propetang si Hananias ang pamatok na nasa leeg ng propetang si Jeremias, dumating kay Jeremias ang mensaheng ito ni Jehova: 13 “Puntahan mo si Hananias at sabihin mo sa kaniya, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Mga pamatok na kahoy ang binali mo,+ pero kapalit ng mga iyon ay gagawa ka ng mga pamatok na bakal.” 14 Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Maglalagay ako ng pamatok na bakal sa leeg ng lahat ng bansang ito, para maglingkod sila kay Haring Nabucodonosor ng Babilonya, at magiging lingkod niya sila.+ Kahit ang mga hayop sa parang ay ibibigay ko sa kaniya.”’”+

      15 At sinabi ng propetang si Jeremias sa propetang si Hananias:+ “Pakisuyo, makinig ka, O Hananias! Hindi ka isinugo ni Jehova, pero pinaniniwala mo ang bayang ito sa isang kasinungalingan.+ 16 Kaya ito ang sinabi ni Jehova, ‘Aalisin kita sa ibabaw ng lupa. Sa taóng ito ay mamamatay ka, dahil tinuturuan mo ang bayan na magrebelde kay Jehova.’”+

      17 Kaya namatay ang propetang si Hananias nang taóng iyon, noong ikapitong buwan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share