-
Deuteronomio 21:6-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 At ang lahat ng matatandang lalaki sa lunsod na pinakamalapit sa bangkay ay dapat maghugas ng mga kamay nila+ sa ibabaw ng batang baka na binali ang leeg sa lambak, 7 at sasabihin nila, ‘Hindi kami ang pumatay sa taong ito; hindi rin namin nakita nang mangyari ito. 8 Huwag mo itong singilin sa iyong bayang Israel, na tinubos mo,+ O Jehova, at huwag mong hayaang manatili sa iyong bayang Israel ang pagkakasala dahil sa pagkamatay ng inosenteng tao.’+ At hindi sisingilin sa kanila ang pagkakasala sa dugo. 9 Kapag ginawa ninyo ito, maaalis sa gitna ninyo ang pagkakasala dahil sa pagkamatay ng inosenteng tao, dahil ginawa ninyo ang tama sa paningin ni Jehova.
-