-
Bilang 14:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Kaya humiyaw ang buong bayan, at patuloy silang dumaing at umiyak nang buong gabing iyon.+ 2 Lahat ng Israelita ay nagsimulang magbulong-bulungan laban kina Moises at Aaron,+ at nagsalita laban sa kanila ang buong bayan: “Namatay na lang sana tayo sa Ehipto, o namatay na lang sana tayo sa ilang na ito! 3 Bakit pa tayo dadalhin ni Jehova sa lupaing iyon para mamatay sa espada?+ Magiging samsam ang ating mga asawang babae at anak.+ Hindi ba mas mabuti kung bumalik tayo sa Ehipto?”+
-