Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 15:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “Kung maghirap ang kapatid mo sa isa sa mga lunsod sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, huwag mong patigasin ang puso mo o pagdamutan ang naghirap mong kapatid.+

  • Deuteronomio 15:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dapat kang maging bukas-palad sa kaniya,+ at huwag kang magbibigay nang hindi bukal sa puso; ito ang dahilan kung bakit pagpapalain ni Jehova na iyong Diyos ang lahat ng ginagawa at pagsisikap mo.+

  • Kawikaan 11:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Ang saganang nagbibigay ay lalong nagiging sagana,+

      Pero ang nagkakait ng dapat niyang ibigay ay naghihirap.+

  • Kawikaan 19:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ang tumutulong sa dukha ay nagpapautang kay Jehova,+

      At babayaran* Niya siya dahil sa ginawa niya.+

  • Lucas 6:38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 38 Maging mapagbigay, at magbibigay ang mga tao sa inyo.+ Napakarami nilang ibubuhos sa tupi* ng inyong damit—siniksik, niliglig, at umaapaw. Dahil kung paano ninyo pinakikitunguhan ang iba, ganoon din nila kayo pakikitunguhan.”*

  • 2 Corinto 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Pero may kinalaman dito, ang naghahasik ng kaunti ay mag-aani rin ng kaunti, at ang naghahasik ng marami ay mag-aani rin ng marami.+

  • 1 Juan 3:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Pero kung ang sinuman ay may materyal na mga bagay sa sanlibutang ito at nakikita niyang nangangailangan ang kapatid niya pero hindi siya nagpapakita ng habag dito, paano niya masasabing iniibig niya ang Diyos?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share