10 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kapag nakarating na kayo sa lupaing ibinibigay ko sa inyo at umani na kayo roon, dapat kayong magdala sa saserdote ng isang tungkos mula sa mga unang bunga+ ng inyong ani.+
8 Sinabi pa ni Jehova kay Aaron: “Ako mismo ang nag-aatas sa iyo sa pag-iingat ng mga abuloy para sa akin.+ Ibinibigay ko sa iyo at sa iyong mga anak bilang permanenteng paglalaan ang isang bahagi ng lahat ng banal na bagay na iniabuloy ng mga Israelita.+
12 “Ibinibigay ko sa iyo ang lahat ng pinakamainam na langis at lahat ng pinakamainam na bagong alak at butil, ang mga unang bunga nila,+ na ibinibigay nila kay Jehova.+
5 Pagkalabas ng utos, nagbigay ang mga Israelita ng maraming unang bunga ng butil, bagong alak, langis,+ at pulot-pukyutan, at ng lahat ng bunga ng lupain;+ bukas-palad nilang ibinigay ang ikasampu ng lahat ng bagay.+