-
Josue 8:30-32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
30 Noon nagtayo si Josue ng isang altar sa Bundok Ebal+ para kay Jehova na Diyos ng Israel, 31 gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ni Jehova sa mga Israelita at gaya ng nakasulat sa aklat ng Kautusan+ ni Moises: “Isang altar na gawa sa mga buong bato na hindi pa nagamitan ng kasangkapang bakal.”+ Dito sila nag-alay ng mga handog na sinusunog para kay Jehova at ng mga haing pansalo-salo.+
32 Pagkatapos, isinulat niya sa mga bato ang isang kopya ng Kautusan+ na isinulat ni Moises sa harap ng mga Israelita.+
-