Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 20:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Parangalan* mo ang iyong ama at ina+ para mabuhay ka nang mahaba sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos.+

  • Deuteronomio 21:18-21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Kung ang isang lalaki ay may anak na matigas ang ulo, rebelde, at hindi sumusunod sa kaniyang ama o ina,+ at sinikap na nilang ituwid siya pero ayaw niyang makinig,+ 19 dadalhin siya ng kaniyang ama at ina sa matatandang lalaki na nasa pintuang-daan ng lunsod, 20 at sasabihin nila sa matatandang lalaki, ‘Ang anak naming ito ay matigas ang ulo at rebelde, at ayaw niyang sumunod sa amin. Napakatakaw niya+ at lasenggo.’+ 21 Kaya babatuhin siya ng lahat ng lalaki sa lunsod hanggang sa mamatay siya. Ganiyan ninyo aalisin ang kasamaan sa gitna ninyo, at mababalitaan iyan ng buong Israel at matatakot.+

  • Kawikaan 20:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Ang sinumang sumusumpa sa kaniyang ama at ina,

      Papatayin ang lampara niya pagsapit ng dilim.+

  • Kawikaan 30:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ang matang umaalipusta sa ama at ayaw sumunod sa ina+

      —Tutukain iyon ng mga uwak sa lambak,*

      At kakainin iyon ng mga batang agila.+

  • Mateo 15:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Halimbawa, sinabi ng Diyos, ‘Parangalan* mo ang iyong ama at ina,’+ at, ‘Ang nagsasalita ng masama* sa kaniyang ama o ina ay papatayin.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share