3 Nang makita ng nagtraidor na si Hudas na nahatulan na si Jesus, nabagabag siya at ibinalik niya ang 30 pirasong pilak sa mga punong saserdote at matatandang lalaki+ 4 at sinabi: “Nagkasala ako. Nagtraidor ako sa isang taong matuwid.” Sinabi nila: “Ano ngayon sa amin? Problema mo na iyan!”