4 Nang makita ni Jehova na lumapit siya rito, tinawag siya ng Diyos mula sa matinik na halaman: “Moises! Moises!” Sumagot siya: “Narito ako.” 5 At sinabi ng Diyos: “Hanggang diyan ka na lang. Hubarin mo ang sandalyas mo, dahil banal ang lupang kinatatayuan mo.”