12 “Pagtawid ninyo sa Jordan, tatayo sa Bundok Gerizim+ ang mga tribong ito para pagpalain ang bayan: Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose, at Benjamin. 13 Ito naman ang mga tatayo sa Bundok Ebal+ para bigkasin ang sumpa: Ruben, Gad, Aser, Zebulon, Dan, at Neptali.