-
Josue 10:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Dahil dito, si Adoni-zedek na hari ng Jerusalem ay nagpadala ng ganitong mensahe kay Hoham na hari ng Hebron,+ kay Piram na hari ng Jarmut, kay Japia na hari ng Lakis, at kay Debir na hari ng Eglon:+ 4 “Tulungan ninyo ako at salakayin natin ang Gibeon, dahil nakipagpayapaan ito kay Josue at sa mga Israelita.”+ 5 Kaya ang limang hari ng mga Amorita+—ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lakis, at ang hari ng Eglon—ay nagsama-sama pati ang mga hukbo nila. Lumusob sila sa Gibeon at pinalibutan ito para makipagdigma rito.
-