-
Genesis 48:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Nang makita ni Jose na hindi inaalis ng ama niya ang kanang kamay nito sa ulo ni Efraim, hindi niya iyon nagustuhan, kaya sinubukan niyang ilipat sa ulo ni Manases ang kamay ng ama niya na nakapatong sa ulo ni Efraim. 18 Sinabi ni Jose sa ama niya: “Hindi, ama ko, ito ang panganay.+ Ilagay po ninyo sa ulo niya ang inyong kanang kamay.”
-