Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 25:33, 34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Kung hindi bilhing muli ng Levita ang pag-aari niya, ang ibinentang bahay na nasa lunsod na pag-aari nila ay ibabalik din sa Jubileo,+ dahil ang mga bahay na nasa mga lunsod ng mga Levita ay ang pag-aari nila sa gitna ng mga Israelita.+ 34 Isa pa, ang mga pastulan+ na nakapalibot sa mga lunsod nila ay hindi puwedeng ibenta, dahil ito ay pag-aari nila magpakailanman.

  • Bilang 35:2-4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Sabihin mo sa mga Israelita na bigyan ang mga Levita ng mga lunsod na titirhan mula sa mana nila,+ at dapat nilang ibigay sa mga Levita ang mga pastulan sa palibot ng mga lunsod.+ 3 Maninirahan ang mga ito sa mga lunsod, at ang mga pastulan ay para sa mga alagang hayop, mga pag-aari, at iba pang hayop ng mga ito. 4 Ang lawak ng mga pastulan ng mga lunsod na ibibigay ninyo sa mga Levita ay 1,000 siko* mula sa pader ng lunsod sa buong palibot nito.

  • Josue 14:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ang mga inapo ni Jose ay itinuturing na dalawang tribo,+ ang Manases at ang Efraim;+ at hindi nila binigyan ng parte sa lupain ang mga Levita, maliban sa mga lunsod+ na titirhan ng mga ito at lupa para sa mga alagang hayop at pag-aari ng mga ito.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share