-
Josue 15:16-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Sinabi ni Caleb: “Ibibigay ko ang anak kong si Acsa para maging asawa ng lalaking makapagpapabagsak at makasasakop sa Kiriat-seper.” 17 At nasakop iyon ni Otniel+ na anak ni Kenaz,+ na kapatid ni Caleb. Kaya ibinigay niya rito ang anak niyang si Acsa+ para maging asawa nito. 18 Habang pauwi si Acsa, hinimok niya ang asawa niya na humingi ng bukid sa ama* niya. Pagkatapos, bumaba si Acsa sa kaniyang asno.* Tinanong siya ni Caleb: “Ano ang gusto mo?”+ 19 Sinabi ni Acsa: “Pakisuyo, bigyan ninyo ako ng pagpapala. Isang lupain sa timog* ang ibinigay ninyo sa akin, kaya ibigay rin ninyo sa akin ang Gulot-maim.”* Kaya ibinigay niya rito ang Mataas na Gulot at ang Mababang Gulot.
-