-
1 Samuel 13:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Nagtipon-tipon din ang mga Filisteo para lumaban sa Israel. Mayroon silang 30,000 karwaheng pandigma at 6,000 mangangabayo at mga sundalo na kasindami ng mga butil ng buhangin sa baybayin ng dagat;+ at nagpunta sila sa Micmash sa silangan ng Bet-aven+ at nagkampo roon. 6 Nakita ng mga lalaki ng Israel na nasa matinding panganib sila dahil sa mga kaaway; kaya nagtago sila sa mga kuweba,+ hukay, malalaking bato, mga taguan sa ilalim ng lupa, at mga imbakan ng tubig.
-