-
Hukom 9:16-18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 “Ngayon, naging tapat ba kayo at matuwid nang gawin ninyong hari si Abimelec,+ naging mabuti ba kayo kay Jerubaal at sa sambahayan niya, at napakitunguhan ba ninyo siya gaya ng nararapat sa kaniya? 17 Nang makipaglaban ang aking ama para sa inyo,+ isinapanganib niya ang buhay* niya para mailigtas kayo mula sa kamay ng Midian.+ 18 Pero ngayon ay kinalaban ninyo ang sambahayan ng aking ama at pinatay ang kaniyang mga anak, 70 lalaki, sa ibabaw ng isang bato.+ Pagkatapos, si Abimelec, na anak ng kaniyang aliping babae,+ ay ginawa ninyong hari sa mga pinuno ng Sikem dahil lang sa kapatid ninyo siya.
-