-
Genesis 18:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Pagkatapos, tumakbo si Abraham sa bakahan at pumili ng mainam na batang toro na malambot ang karne. Ibinigay niya iyon sa tagapaglingkod, at nagmadali ito para maihanda iyon.
-
-
Hukom 6:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Pakisuyo, huwag kang umalis dito hanggang sa makabalik ako dala ang aking kaloob at maihain iyon sa harap mo.”+ Kaya sinabi niya: “Hihintayin kita rito.” 19 At si Gideon ay pumasok at naghanda ng isang batang kambing at gumawa ng tinapay na walang pampaalsa gamit ang isang epa* ng harina.+ Ang karne ay inilagay niya sa basket, at ang sabaw ay inilagay niya sa palayok; pagkatapos ay inilabas niya ang mga iyon at inihain sa kaniya sa ilalim ng malaking puno.
-