Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 34:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Bantayan mo ang iyong sarili nang hindi ka makipagtipan sa mga nakatira sa lupain, dahil kapag nakikiapid* sila sa mga diyos nila at naghahain sa mga ito,+ may mag-aanyaya sa iyo at kakain ka ng hain niya.+ 16 At tiyak na kukunin mo ang ilan sa mga anak nilang babae para sa mga anak mong lalaki,+ at ang mga anak nilang babae ay makikiapid* sa mga diyos nila at hihikayatin ang mga anak mong lalaki na makiapid din sa mga diyos nila.+

  • Bilang 25:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Nang naninirahan ang Israel sa Sitim,+ ang bayan ay nakipagtalik* sa mga anak na babae ng Moab.+ 2 Inimbitahan ng mga babae ang bayan na sumama sa paghahain sa mga diyos nila,+ at ang bayan ay kumain at yumukod sa mga diyos nila.+

  • Deuteronomio 7:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Huwag kayong makipag-alyansa sa kanila sa pag-aasawa. Huwag ninyong ibigay ang inyong anak na babae sa anak nilang lalaki o kunin ang anak nilang babae para sa inyong anak na lalaki.+ 4 Dahil itatalikod nila sa akin ang inyong mga anak at maglilingkod ang mga ito sa ibang mga diyos;+ at lalagablab ang galit ni Jehova at agad kayong lilipulin.+

  • 1 Hari 11:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Pero si Haring Solomon ay umibig sa maraming babaeng banyaga+ bukod pa sa anak ng Paraon:+ mga babaeng Moabita,+ Ammonita,+ Edomita, Sidonio,+ at Hiteo.+

  • 1 Hari 11:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Nang tumanda na si Solomon,+ pinasunod siya ng mga asawa niya sa ibang mga diyos,+ at hindi niya ibinigay ang buong puso niya kay Jehova na kaniyang Diyos; hindi niya tinularan ang ama niyang si David.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share