Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 11:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Kaya pumunta sa Gilgal ang buong bayan, at doon ay ginawa nilang hari si Saul sa harap ni Jehova. Pagkatapos, naghandog sila roon ng mga haing pansalo-salo sa harap ni Jehova,+ at si Saul at ang lahat ng Israelita ay nagsaya at nagdiwang.+

  • 1 Samuel 13:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Sinabi ni Samuel kay Saul: “Kamangmangan ang ginawa mo. Hindi mo sinunod ang iniutos sa iyo ni Jehova na iyong Diyos.+ Kung sumunod ka, patatatagin sana ni Jehova ang kaharian mo sa Israel magpakailanman.

  • 1 Samuel 15:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Pero sinabi ni Samuel kay Saul: “Hindi ako babalik na kasama mo, dahil itinakwil mo ang salita ni Jehova, at itinakwil ka ni Jehova bilang hari ng Israel.”+

  • 1 Samuel 28:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Kaya sinabi ni Saul sa mga lingkod niya: “Ihanap ninyo ako ng isang babaeng espiritista,+ at pupunta ako sa kaniya para sumangguni.” Sinabi ng mga lingkod niya: “May isang babaeng espiritista sa En-dor.”+

  • 1 Samuel 31:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Kaya sinabi ni Saul sa tagapagdala niya ng sandata: “Hugutin mo ang espada mo at saksakin mo ako, para hindi ang mga di-tuling lalaking iyon+ ang sumaksak sa akin at nang hindi nila ako mapahirapan.” Pero ayaw itong gawin ng tagapagdala niya ng sandata, dahil takot na takot ito. Kaya kinuha ni Saul ang espada at sinaksak ang sarili.+

  • 2 Samuel 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Sina Saul at Jonatan,+ na minahal at kinagiliwan noong nabubuhay pa sila,

      Kahit sa kamatayan ay hindi sila nagkahiwalay.+

      Mas matutulin sila kaysa sa mga agila,+

      Mas malalakas kaysa sa mga leon.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share