-
Josue 7:16-18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Kaya kinabukasan, maagang bumangon si Josue at pinalapit ang Israel ayon sa mga tribo nila, at ang tribo ni Juda ang napili. 17 Pinalapit niya ang mga angkan ni Juda at ang angkan ng mga Zerahita+ ang napili, at saka niya pinalapit ang angkan ng mga Zerahita, ang bawat lalaki, at si Zabdi ang napili. 18 Kahuli-hulihan, pinalapit niya ang pamilya ni Zabdi, ang bawat lalaki, at si Acan na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, mula sa tribo ni Juda, ang napili.+
-