-
1 Samuel 13:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Pumili si Saul ng 3,000 lalaki mula sa Israel; 2,000 sa mga ito ay kasama ni Saul sa Micmash at sa mabundok na rehiyon ng Bethel, at ang 1,000 ay kasama ni Jonatan+ sa Gibeah+ ng Benjamin. Ang iba pa sa bayan ay pinauwi niya sa kani-kaniyang tolda. 3 Pagkatapos, pinabagsak ni Jonatan ang grupo ng mga sundalong Filisteo+ na nasa Geba,+ at nabalitaan ito ng mga Filisteo. At pinahipan ni Saul ang tambuli+ sa buong lupain, na sinasabi: “Makinig ang mga Hebreo!”
-