-
2 Hari 6:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Maagang bumangon ang tagapaglingkod ng lingkod ng tunay na Diyos. At paglabas niya, nakita niyang nakapalibot sa lunsod ang isang hukbo na may mga kabayo at mga karwaheng pandigma. Sinabi niya agad kay Eliseo: “Naku, panginoon ko! Ano ang gagawin natin?” 16 Pero sinabi nito: “Huwag kang matakot!+ Dahil mas marami ang kasama natin kaysa sa mga kasama nila.”+
-
-
2 Cronica 14:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Pagkatapos, tumawag si Asa sa Diyos niyang si Jehova:+ “O Jehova, matutulungan mo kahit sino, marami man sila o mahina.+ Diyos naming Jehova, tulungan mo kami, dahil umaasa* kami sa iyo,+ at lalaban kami sa malaking hukbong ito sa ngalan mo.+ O Jehova, ikaw ang Diyos namin. Huwag mong hayaang matalo ka ng hamak na tao.”+
-