9“Makinig kayo, O Israel, tatawirin ninyo ngayon ang Jordan+ para makuha ang lupain ng mga bansa na mas dakila at mas malalakas kaysa sa inyo,+ mga lunsod na malalaki at abot-langit ang pader,+
3 Kaya tandaan ninyo ngayon na ang Diyos ninyong si Jehova ay tatawid sa unahan ninyo.+ Siya ay isang apoy na tumutupok,+ at lilipulin niya sila. Tatalunin niya sila sa harap ninyo para madali ninyo silang maitaboy at mapuksa,* gaya ng ipinangako sa inyo ni Jehova.+