-
1 Samuel 17:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 At sinabi ni Jesse sa anak niyang si David: “Pakisuyo, dalhin mo sa mga kapatid mo sa kampo itong isang epa* ng binusang butil at 10 tinapay. Magmadali ka. 18 At dalhin mo itong 10 keso* sa pinuno ng sanlibo; tingnan mo rin ang lagay ng mga kapatid mo, at mag-uwi ka ng katibayan na nasa mabuti silang kalagayan.”
-