-
Exodo 15:20, 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Pagkatapos, kumuha ng tamburin si Miriam na propetisa, na kapatid ni Aaron; sumunod sa kaniya ang lahat ng babae, at tumugtog sila ng tamburin at sumayaw. 21 Umawit si Miriam bilang sagot sa kanila:
“Umawit kay Jehova, dahil lubos siyang naluwalhati.+
Ang kabayo at ang sakay nito ay itinapon niya sa dagat.”+
-