Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 2:12-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ang mga anak ni Eli ay masasamang lalaki;+ wala silang paggalang kay Jehova. 13 Sa halip na kunin lang ang parte nila sa handog na dinadala ng mga tao, ganito ang ginagawa nila:+ Kapag may nag-aalay ng handog, dumarating ang isang tagapaglingkod ng saserdote na may dalang tinidor na tatlo ang tulis habang pinakukuluan ang karne, 14 at itutusok niya iyon sa lutuan, sa kaldero na may dalawang hawakan, sa kawa, o sa kaldero na may isang hawakan. Anuman ang makuha ng tinidor ay kinukuha ng saserdote para sa sarili niya. Ganiyan ang ginagawa nila sa Shilo sa lahat ng Israelita na dumarating doon. 15 At bago pa mapausok ng taong naghahandog ang taba,+ isang tagapaglingkod ng saserdote ang dumarating at nagsasabi sa kaniya: “Magbigay ka sa saserdote ng karneng iihawin. Hindi siya tatanggap ng pinakuluang karne, kundi ng hilaw lang.” 16 Kapag sinabi sa kaniya ng naghahandog: “Hayaan mo munang mapausok nila ang taba,+ saka mo kunin ang anumang gusto mo,” sasabihin niya: “Hindi, ibigay mo na sa akin ngayon; kung hindi, kukunin ko iyan nang sapilitan!” 17 Kaya naging napakalaki ng kasalanan ng mga tagapaglingkod sa paningin ni Jehova,+ dahil nilapastangan nila ang handog kay Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share