18Matapos makipag-usap si David kay Saul, naging matalik na magkaibigan sina Jonatan+ at David, at minahal ni Jonatan si David na gaya ng pagmamahal niya sa kaniyang sarili.+
2 Dahil mahal na mahal si David ng anak ni Saul na si Jonatan,+ sinabi ni Jonatan kay David: “Gusto kang ipapatay ng ama kong si Saul. Pakisuyo, mag-ingat ka bukas ng umaga. Magtago ka sa isang lugar at manatili roon.