-
1 Samuel 25:14-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Samantala, isa sa mga lingkod ang nag-ulat kay Abigail, na asawa ni Nabal: “Nagpadala si David ng mga mensahero mula sa ilang para bumati sa aming panginoon, pero sinigawan niya sila at ininsulto.+ 15 Napakabait sa amin ng mga lalaking iyon. Hindi nila kami sinaktan, at walang anumang nawala sa amin sa buong panahong kasama namin sila sa parang.+ 16 Para silang pader na naging proteksiyon namin sa gabi at araw, sa buong panahong kasama namin sila habang nagpapastol kami sa kawan.
-