12 Si Timna ay naging pangalawahing asawa ni Elipaz, na anak ni Esau. Nang maglaon, naging anak niya si Amalek+ kay Elipaz. Ito ang mga apo ni Ada, na asawa ni Esau.
14 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Isulat mo ito sa aklat para hindi malimutan,* at ulitin mo ito kay Josue, ‘Lilipulin ko ang mga Amalekita sa ibabaw ng lupa,* at wala nang makakaalaala sa kanila.’”+
29 Ang mga Amalekita+ ay naninirahan sa lupain ng Negeb;+ ang mga Hiteo, Jebusita,+ at Amorita+ ay naninirahan sa mabundok na rehiyon; at ang mga Canaanita+ ay naninirahan malapit sa dagat+ at sa Jordan.”
2 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Pananagutin ko ang mga Amalekita sa ginawa nila sa Israel nang labanan nila ito noong naglalakbay ito mula sa Ehipto.+