Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 23:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Ang Diyos ay hindi gaya ng tao na nagsisinungaling,+

      O gaya ng anak ng tao na nagbabago ng isip.*+

      Kapag may sinasabi siya, hindi ba gagawin niya iyon?

      Kapag nagsasalita siya, hindi ba isasagawa niya iyon?+

  • 1 Samuel 2:31-34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Makinig ka! Darating ang panahon na aalisin ko ang lakas* mo at ng sambahayan ng iyong ninuno, para walang sinuman sa iyong sambahayan ang umabot sa katandaan.+ 32 Samantalang nasa mabuting kalagayan ang Israel, makikita mo sa aking bahay ang isang kalaban;+ at hindi na magkakaroon ng isa mang matanda sa iyong sambahayan. 33 Ang lalaki sa iyong sambahayan na hindi ko aalisin sa paglilingkod sa aking altar ay magpapalabo ng mga mata mo at magdudulot sa iyo ng dalamhati, pero ang karamihan sa sambahayan mo ay mamamatay sa espada.+ 34 At para malaman mong totoo ang sinasabi ko sa iyo, ganito ang mangyayari sa dalawa mong anak na sina Hopni at Pinehas: Sa iisang araw ay pareho silang mamamatay.+

  • Isaias 55:10, 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dahil kung paanong ang ulan at niyebe ay bumubuhos mula sa langit

      At hindi bumabalik doon hanggang sa madilig ng mga ito ang lupa, para tubuan iyon ng pananim at mamunga

      At magbigay ng binhi sa manghahasik at ng tinapay sa kumakain,

      11 Magiging gayon ang salitang lumalabas sa bibig ko.+

      Hindi ito babalik sa akin nang walang resulta,+

      Kundi talagang gagawin nito ang anumang gusto* ko,+

      At siguradong magtatagumpay ito sa dapat nitong isakatuparan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share