Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 27:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Tatayo siya sa harap ni Eleazar na saserdote, na siya namang sasangguni kay Jehova para sa kaniya gamit ang Urim,+ para malaman ang desisyon ng Diyos. Kapag binigyan sila ng utos, susunod siya at ang lahat ng Israelita, ang buong bayan.”

  • Hukom 20:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Si Pinehas+ na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron, ay naglilingkod* sa harap ng Kaban nang mga panahong iyon. Itinanong nila: “Makikipaglaban ba kami ulit sa mga lalaki ng Benjamin na mga kapatid namin, o titigil na kami?”+ Sumagot si Jehova: “Lumaban kayo, dahil bukas ay ibibigay ko sila sa kamay ninyo.”

  • 1 Samuel 23:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Kaya sumangguni si David kay Jehova:+ “Lalabanan at pababagsakin ko po ba ang mga Filisteong ito?” Sinabi ni Jehova kay David: “Makipaglaban ka at pabagsakin mo ang mga Filisteo at iligtas mo ang Keila.”

  • 1 Samuel 23:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Isusuko ba ako ng mga pinuno* ng Keila sa kamay niya? Sasalakay ba rito si Saul gaya ng narinig ng iyong lingkod? O Jehova na Diyos ng Israel, pakisuyong sabihin mo sa iyong lingkod.” Sumagot si Jehova: “Sasalakay siya.”

  • 1 Samuel 28:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sumasangguni si Saul kay Jehova,+ pero hindi siya sinasagot ni Jehova, kahit sa mga panaginip o sa Urim+ o sa pamamagitan ng mga propeta.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share